Dont forget the smiley face :)

Eighteen | Walang forever, lifetime exists for my prince and I

Graham balls

May business kami. Four kaming babae. Magkakababata kami at magkakamag-anak rin. Tita ko yung dalawa pero magkakasing-edad lang kami together with my eldest sister. Kapag may mga umoorder syempre natutuwa kami, nakakapagod rin kaya. Mahirap rin pagsabayin pag-aaral sa business pero kaya naman namin. Nakikipag,eet-up rin kami after or before pumasok sa school.

Nagcocustomize kami ng graham balls na kung saan pwede mo ipalagay HAPPY BIRTHDAY or HAPPY ANNIVERSARY. Basta edible yun gum paste. Kapag may umoorder para sa mga iniirog nila, kapag ginagawa ko yun may naaalala ako. Naiinggit ako kasi nagpapagawa sila ng ganun para lang mapasaya nila ang ibang tao, as well as kumikita kami.

Nagtatanong tuloy ako sa sarili ko. Kailan kaya ako pag-eeffortan at sino ang eeffort sakin ng ganun? Masyado pa akong bata pero excited at the same time na din.

Okay bye naalala ko lang kasi tinext ako ng dati kong kaklase nakalimutan nyang magbayad. Hahaha

I had a dream

AGAIN. Kumakain daw ako ng cinnamon danish 😭

henry4lifez:

(Source: gerlondon, via hayilla)

Lazy Monday

Kagabi nag-aral ako ng accounting, bago ako matulog muntik ko na makalimutan mag-alarm for morning class. Buti naalala ko.

Nagising ako kaninang 5 A.M. After 1 hour, umalis na ako sa bahay kasi mag-e-lrt ako, ayoko makipagsiksikan sa rush hour. Nung nasa Betty Go Station na ako, narinig ko na yung paparating na tren. Tumakbo na ako tapos ang bagal pa ng lalaking nasa harap ko sa escalator. Sa wakas, baka masaraduhan ng tren, nakasiksik ako. May silbi rin pala kapag slim ka. (Walang papalag)

Dumating ako sa school maaga wala pang prof, ginulat ko agad bestfriend ko tapos nilapag ko yung bag ko. Nagchikahan kami ng bongga sa mga pangyayari. Ang tagal kaya naming di nagkita. 3 days rin yun. Shinare ko mga pinaggagawa ko sa buhay, ang katamaran ko, ang paglinis sa kwartong binaha at ang pag-iyak gabi-gabi dahil sa hindi ko maintindihan ang nangyayari sa buhay ko mapa-lovelife man, academics or pamilya.

Nag-P.E. kami, korfball. Nagkaroon ng practical exam. Di ko inexpect. Uno pa ko. Tapos nagkaroon ng game play. It’s either attacker or defender side kami pero kapag nakashoot sa isang half-court, magchechange court kami. Nakashoot ako twice. Pero bago pa man ako makashoot, sumayaw muna ako at nagtatumbling sa gitna ng court at pinagtatawanan ng mga kaklase. Masaya rin naman ako, di naman ako nasaktan, natuwa rin ako sa nagawa ko. Baliw lang. Lampa ko kasi. Bago mag-end yung P.E, nag-offer yung professor namin sa mga piling estudyante na magvarsity sa korfball ng UST. Nagulat ako kasi ininvite ako, sa Netherlands yun! October 3 na daw simula ng training basta itetext kami. Kinuha name at contact number eh. Nagdalawang isip tuloy ako, parang hindi ko kayang pagsabayin pag-aaral pati yun eh. Nanghihingi pa ako ng advice.

Lunch break naman nag-Goldilocks kami. Crema de fruita at tubig lang kinain ko. Hindi ako nagugutom at sinusuka ko lang lahat ng kinakain ko. Masama pakiramdam.

English nanaman, super naboring ako. Hindi ako makatulog kasi sa harapan ako nakaupo. Akala ko tatawagin na ako for recitation, katabi ko pala tinawag. Yes! Pero nagshare ako ng knowledge ko sa katabi ko habang nagrerecite haha!

Computer lecture namin, ayun nagdiscuss lang sya. Pero tawa ako ng tawa! Bigla kasing umulan edi tinginan mga kaklase ko sa courtyard, biglang nagsalita yung prof “NABABASA BA KAYO?” Todo halakhak ako kasi ginigising ko rin sarili ko.

Humanities wala yung prof so nanuod kami ng The Voice sa AMV Multipurpose hall para suportahan ang kaklase ko. Sayang di sya nakuha, maling pyesa daw ang nakanta eh. Pero super galing nya kaya, walang wala ang kagalingan ko sa pagkanta.

Math nagbigay lang ng scantron sheets na ginamit for prelims pati last quiz namin, binigay na rin ang grade. Happy naman ako.


PS Natuto akong humawak ng tama sa bola dahil sa ex-boyfriend ko na minahal ko ng sobra. Hanggang ngayon di ko alam kung nakamove on na ba ako o hindi pa, nakakamiss kaya. Gusto ko syang yayain magWOF at maglaro ng 2k kahit na palagi akong natatalo kasi sakanya ako natututo. Idol ko sya tapos ginagaya ko mga style nya sa paglalaro. Hahaha! Copycat. Kaya nagkaron ako ng confidence sa korfball eh. Parang ganun kasi yun, parang lang. Point guard daw ako although wala namang ganun sa KB.

Double purpose.

Balak kong gawing wedding gown in the future yung gown na ginamit ko nung nagdebut ako.

Tipid ba?
Goodnight!

eredianicole:

Fact: Girls never mind staying up a bit longer just to talk to a guy they love.

(via daineeemrcs)

TotallyLayouts has Tumblr Themes, Twitter Backgrounds, Facebook Covers, Tumblr Music Player and Tumblr Follower Counter
Tumblr Music Player
Billy Music Player